Add parallel Print Page Options

27 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.

28 (A)At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. (B)At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.

Ang mukha ni Moises ay nagliwanag.

29 At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, (C)na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.

Read full chapter